Eli Soriano: (puno ng Ang Dating Daan) "Alam 'nyo ganito problema Mr. Domingo; 'pag ang isang religious leader na nagsasabing siya'y alagad ng Dios, eh pumayag na humalo sa pulitika, 'yun ang palatandaang hindi sa Dios 'yan. Tandaan 'nyo. Eh di' mali kuya. Eh kasi sabi po ni...ng Biblia sa isang mangagaral, 'yun 'ikang kawal na nasa pagka-kawal, h'wag hahalubilo sa bagay ng buhay na ito. Ayaw ng Dios na 'yung Kaniyang kawal ng kabanalan ay humalubilo pa sa sanlibutan. At sinabi pa ni Cristo, walang aliping makapaglilinkod sa dalawang panginoon. You cannot serve two masters at a time. Papano mo paglilingkuran 'yung Dios by being a guardian of the congregation and at the time a politician? Na mahahalo ka sa sari-saring tukso't temptation at mga kayabangan at mga kaplastikan sa buhay. Kaya 'pag merong magsasabing sila'y sa Dios, mangangaral, at tumakbo sa pulitika, isang matibay na palatandaan 'yan, na hindi sa Dios 'yang mangangaral na 'yan. Tandaan 'nyo agad 'yan. At kung hindi po kayo naniniwala, ay dumalo kayo sa aming expositon, isama 'nyo mangangaral 'nyo. Sa harap 'nya patutunayan ko hindi siya sa Dios 'pag lumahok 'sya sa pulitika.
1. Audio/Video ng Ang Dating Daan sa Forum 2611212. Meigon Vs Eli Soriano (kaanib sa Ang Dating Daan Vs puno sa Ang Dating Daan)